Sunday, July 18, 2010

tambay ng linggo

kaninang tanghali pagkatapos namin kumain ng tuyo for breakfast, hehehe, sinimulan ko ng maglinis ng room ko.. di ba sa previous post ko, naligpit ko na ung isang maleta ko, ngayon naman naayos ko na ung ibang damit sa cabinet ko and nabalik ko na rin ung mga galing sa maleta pa mula pinas.. so all in all, medyo my mga natapos na rin naman ako kahit papano.  iyong mga cables sa ilalim ng pc table, its good na rin. though medyo magulo pa rin ng konti dahil wala akong pantali sa kanila, its better than the previous version..

i cooked spaghetti this afternoon. dapat kasi we will go out and watch a movie sa mall ng mga kasama kong pinoy, but then nung magpapareserve na kami ng ticket online wala ng available slot para sa inception. so wag na lang, and we decided dito na lang sa bahay manood.

so nung nakaluto na ko ng spaghetti while nakasalang ang ilang labahin sa washing machine, nagtext na ko sa kanila na they can go to our unit na. nagpabili rin ako ng bread kasi we forgot na bumili ng bread sa supermarket nung nag grocery kanina.

medyo napatagal ung kwentuhan kanina after namin kumain, ung mga kwentuhan simula nung pagkabata.. hehehe.. so iyon. after nun, nanood kami ng tagalog movie. kasi ako pag weekends and dito lang sa bahay, i prefer na tagalog movies, kasi sa cinema never will they show any tagalog movie kasi wala naman kami sa pinas. so ang di pa napanood na movie is ung latest movie nina dingdong / marian. oo, nag iba sila ng atake sa movie na ito which is good.

ngayon almost 10 pm na, 2 minutes before 10 to be exact. need ko pang maligo and nakasalang pa lang ung mga polo shirt ko sa WM. ifoformat ko na din itong laptop ko kasi vista is occupying almost 15 GB ng HD ko. tapos my mga kinain pa cyang more than 20 GB na hindi ko alam kung program files lang..

ang plan ko ngayon is habang nagrereformat cya, maliligo ako.. hehehe.. ano pa ba gagawin ko? isang maleta na lang naman ang aayusin ko then ung office laptop para magdownload ng mails.. ung pix later tonight na lang. nasa camera ko pa eh..

david.edward signing off.....

No comments: