Monday, April 19, 2010

sunday gala

gala na naman ang modelo nung linggo. lumabas kami ng bahay para tulungan sa paglilipat si housemate dun sa bago nilang unit, after namin pumunta dun dumiretso na kami sa katabing mall. una naming ginawa? masahe.. pero sarado ung shop na pinagmamasahihan namin kaya we ended up sa nail salon kasi need ko raw magpa manicure kasi ang dugyot ng tignan ng mga daliri ko.. :p

dapat manicure lang gagawin ko, itong kasama ko nagpa spa ng paa at pedicure.. sabi ko tignan ko muna ung gagawin sa kanya, then saka ko sasabihin kung gusto ko.. sabi nya libre daw nya kalahati, sabi ko oh dali game!! ahahaha..

pero before pala un, dumaan muna kami sa computer shop, bumili na naman ako ng dalawang mouse. :)

okay, tapos nung sa nail salon, next stop iyong furniture shop,.. dahil lilipat na rin kami ng bagong condo unit, naghanap na kami ng mga madadagdag na gamit sa bahay.

ang mga nabili namin? 3 door shoe rack. isang 6 feet na computer table para sa office set up namin sa bahay. isang sofa bed para sa sala. at ang aking computer chair.. magkano inabot? naka discount naman kami eh.. so cguro less than 20k in peso.. hehehe.. nagdown muna kami ng kulang kalahati.. pag dineliver na lang ung kulang.. ahahhaha..

after that, naggrocery na kami ng pagkain namin for this week. konti lang naman.. kasi we are expecting to move out on last week of April. hehehe.. :)

david.edward signing off.....

1 comment:

Kosa said...

wow.
sana may picture yung mga bagong linis na mga kuko...
ganundin yung mga bagong furniture...