Monday, July 26, 2010

quota na

walang laro ng badminton kahapon, hindi daw nakapagpa reserve ng court. so okay lang naman dahil tinatamad din ako kahapon.

balak ko sanang matulog na lang ulit pero hindi naman ako nakatulog hanggang sa pumasok na kami sa office ng 10:30. sayang din ung oras na iyon, but then natulog na naman ako sa bus. as in ung malalim na tulog. dito din sa office, twice akong natulog sa cube ko. pero idlip lang un, mga 20 minutes na cguro pinaka matagal. alam mo ung feeling na sobrang antok ka at hilo ka sa antok? ganun ako kanina. kaya umidlip muna ko kahit papano..

ngaun, tapos ko na mga trabaho ko. as in wala na kong pending. so it means kahit natutulog ako d2 sa cube ko, alam ko kaya kong gawin. :p

and i think i've had enough for the day. more than 10 tickets na eh. quota na kumbaga.

4 more days before my birthday..bwahahha

david.edward signing off.....

No comments: