Tuesday, August 3, 2010

pahingi ng facebook mo

yan ang sabi ng pinsan ko kahapon nung tumawag ako sa pinas. last week kasi nung birthday ko tumatawag nung ninang ko. (tita ko rin ung ninang ko). hindi ko sinasagot ung tawag, unang una mahal ang long distance na galing sa pinas. and hindi naman sila ganun kayaman para mag ubos ng load. tipong sakto lang. so sabi ko wag ng tumawag at mahal.

so kahapon, on my way going to cyberia to play badminton, tumawag ako sa tita ko (habang nasa taxi ako). so sabi ko anong meron. kwentuhan tungkol sa ganito ganyan. kung kelan daw ako ulit uuwi. mga ganung bagay. sabi ko di ko pa rin alam. so nung medyo matatapos na ung usapan namin, sabi ng pinsan kong babae dun, nasan na daw ung facebook ko. pahingi daw ng facebook ko. which means of course is my email address so she can add me to the networking site. sabi ko wag na. hindi nyo ako mahahanap sa facebook. sabi nya, facebook lang eh, cguro my tinatago ka sa facebook mo. and i told her, ano naman tatago ko sa facebook ko?.. hahaha.. so cge madamot na kung madamot pero i still wont add her to my friends list.

why?

  1. Facebook is a networking site na kung saan ang isang kaibigan mo ay puede ng sundan ang mga gawain mo sa araw araw.
  2. ito rin ay isang paraan para makita nila ang mundong iyong ginagalawan.
  3. at ito rin ay maaring gamitin na isang daan upang makilala nila ang mga taong nakakasama mo sa iyong pang araw araw na pamumuhay
  4. puede rin naman nilang malaman ang mga pinupuntahan mong lugar.

ayoko na malaman nila ang buhay na iniikutan ko. tama na iyong ako ang lalapit at papasok sa mundong ginagalawan nila. okay na ko sa idea na iyon. pero kapag pinapasok ko sila sa mundo ko, malalaman nila ang mga lugar na ginagalaan ko, ang mga tao na nakakasama ko. at iyon ang ayokong mangyari. oo. lesson learned iyon. ive had enough troubles in my life for the past three years. at dahil sa pangyayari na tatlong taon na ang naganap, hindi ko na puede ulit gawin iyon. even it means that they are my relatives. kasi relatives ko rin naman ang my kagagawan ng mga pananakot na iyon.

hindi nila puedeng malaman kung san ako nakatira. hindi nila puedeng malaman kung san ako nagtatrabaho. hindi nila puedeng malaman kung kelan ako nasa pilipinas. at hindi nila puedeng malaman kung san ako umuuwi kapag nasa pilipinas ako. oo. i have  a lot of issues regarding family matters. and to speak honestly, it feels like i dont have anyone to call my family and to call my own home. marami akong kaibigan. at isa iyon sa mga rason kaya hindi ko hinahayaan na pumasok sa buhay na iniikutan ko ang mga relatives ko. ayokong magamit ang kaibigan ko laban sa akin at masaktan sila ng dahil sa akin. oo. meron akong utak na pang kriminal, sayang naman kung di gagamitin ang utak na meron ako.

my mga rason ako kaya di ko puedeng ibigay ang ibang detalye mula sa akin. ang alam lang nila, nasa malaysia ako nagtatrabaho. hindi rin nila alam anong uri ng trabaho meron ako. basta sa computer. iyon lang iyon. kung san ako umuuwi sa pinas at kung kelan ako nandun, hindi ko rin sinasabi. sumusulpot lang ako sa kanila kung kelan ko gusto. at pag tinanong ako kung kelan ako babalik dito? sasabihin ko ng mas maaga sa tinakdang flight ko. or minsan araw pa. at pag umalis na ko sa kanila, madalang na ulit ako magreply sa mga text nila kung nasan ako. para lang akong nagtatago no? oo.. ganun na nga. my mga taong hindi pa ko handang harapin.

at habang my mga ganyan akong issue, tutuparin ko muna ang mga pangarap ko sa tulong ng aking bestfriend na si lord god. alam ko kaya ko ito. ^_^

at oo, wala akong relatives na nasa facebook page ko. lahat sila kaibigan ko.

david.edward signing off.....

2 comments:

SLY said...

ako'y sumisilip at dumadalaw :)

Trainer Y said...

so kelan ang uwi mo dito sa pinas? hahahaha hindi tayo relatives so pwede mong sagutin... patingin na rin ng facebook mo hahahaha... joke lang..
napadaan lang ulit..

whatever issues u have with your relatives.. or however you want to deal with it.. its your choice... buhay mo yan eh diba? hehehe.. what im trying to say is.. as long as youre happy with your deision at whatever it is youre doing at wala kang nasasagasaan na tao, i dont see anything wrong with that.. :D