May 27, 1989 when that incident happened in our life. it was a normal beautiful morning. it's like we are prepared for something that might happen. hindi cya ung tipo na sa bahay lang kami for the whole day. nanay prepared us for something, which up to this day sabi ko cguro nga alam nyang that is the last day of her life in this world.
binihisan nya kaming 3 magkakapatid ng pang alis na damit. nakasapatos, ready to go kahit san pumunta. kahit pumunta pa kami sa mga lola ko sa batangas. actually, that morning she is doing her laundry. sa my likod bahay. then kami nasa jeep lang sa harap ng bahay, no idea what will happen that very morning on the 27th of May.
sabi nya magsasampay na daw cya, and ung jeep is nakaharang sa tapat ng bahay kung nasan ung sampayan, ginising nya ung tatay ko. pinagtimpla ng kape at hinalikan sa labi. kita ko iyon sa loob ng jeep. at after nun, nung pina paurong na ung jeep ng tatay ko at ung nanay ko tinaas iyong kawad ng kuryente na sumabit sa jeep, dun naganap ang lahat.
nagulat na lang kami na ung tatay ko bumaba sa driver's seat at pumunta sa pwesto ng nanay ko at hinihila nya, iyong mga tao sa paligid nagtakbuhan na. mga tita ko, mga pinsan ko, kapitbahay at usisero. merong sumigaw sa amin na wag kaming kakapit sa bakal ng jeep.
nakita ko nanay ko na nahila or tumilpon sa my bermuda sa harap ng bahay at kami, isa isang hinatak palabas ng jeep. maya maya ung jeep umalis na at pumunta ng hospital.
makalipas ang ilang sandali, nakabalik na rin sila. and that was the very first time na nakita ko iyong tatay ko na naglulupasay sa loob ng jeep at iyong nanay ko wala ng malay sa my upuan.
they closed all the windows and doors of our house. maya maya, my kurtina na at mga ilaw. iyon na pala iyon. we lost our mother. dumating ung mga lola ko at tito, tita ko galing batangas. hanggang sa nilibing na nanay ko.
now, it was already 21 years since ung incident na iyon but i can still elaborate what happened on that very day. ng dahil dun, di ko naranasan ano nga ba ang my nanay. what it feels na meron kang kinukulit na nanay mo. na iyong tipong my gusto kang uwian sa probinsya every weekend kasi namimiss mo iyong luto nya or ung mga yakap nya. i really dont know the feeling. sabi nga nila, i am completely clueless..
Nay, siguro naman you will be happy and proud of me. kung nasan man po ako ngayon dahil iyon sa mga pagsubok na pinagdaanan ko dati. and im sorry, i cant be too perfect. alam ko na alam mong my issue kami ni tatay. and i really dont know kung mababalik pa ung samahan na wala naman talagang pundasyon simula simula.
i want to thank you, for taking care of me until the age of nearly 5 years old. thank you sa pagsubaybay, sa patnubay. alam ko, iyong pagiging gala ko sa inyo ko namana. smile ^_^. hehee.. at magkamukha daw tayo, so meaning makinis ang anak nyo. ahahha.. joke lang. oo, sabi nila maputi daw ako. mana nga kasi ako sa inyo,. see. galing galing!!!
ngayon, kahit wala ka na sa tabi namin at magkakasama na kayo nina lolo at lola, pati na rin si isa pang lola, you all are taking care of me. salamat sa pagbabantay. salamat sa pagtingin tingin sa akin at paglayo sa disgrasya. alam ko naman na pinoprotektahan nyo ko eh. kayo lang naman ang meron ako eh, pero iniwan nyo na ko. pero alam ko, kaya ko ito. hindi na nga ako marunong umiyak. pero sana nararanasan ko rin iyong my nanay na naiiyakan pag my mga problema ako. na my nanay na magcocomfort sakin at yayakapin ako at sasabihing okay lang yan. things will be better tomorrow. wala eh. cguro till pangarap na lang muna yan.
so Nay, ito lang po.. SALAMAT sa lahat. salamat salamat at salamat. ingats ka jan ah.. hindi pa po ako ready, matagal pa.. hehehe
david.edward signing off.....
No comments:
Post a Comment